Cherreads

Chapter 11 - HER POV VII

"Sometimes, something once forgotten resurfaces to remind us of what we thought we had left behind."

MARAHAN kong ipinahid ang aking mga kamay sa mukha, feeling the heaviness of the past as I slowly turned the page.

FLAMES

Xander Dakarai Zamora

Lanxie Amani Gonzales

The moment my eyes landed on our names— tears immediately began to fall. Hindi ko na napigilan ang mga luha, as if they had a mind of their own.

"I've been such a crybaby lately," bulong ko sa sarili, habang pinapahid ang mga luhang tila walang katapusan.

Even as I sniffled, I couldn't stop myself from drowning in these memories. Mga alaala na matagal ko nang pilit kinakalimutan. Memories I desperately wanted to forget. Memories na para bang sinusundan ako kahit saan.

Hanggang kailan ako magiging bihag ng mga alaalang ito? Hanggang kailan ko hahayaan ang sarili kong lunurin ng nakaraan? When will I find the freedom I've been longing for— freedom from this prison of memories?

Muli kong tinignan ang notebook. The ink had faded over time, but the names remained legible enough to sting.

Naisip kong sana, kung kasing dali lang ng pagpunit ng papel ang paglimot sa mga bagay na nakasulat dito, baka matagal na sana akong nakalaya.

A bitter smile formed on my lips. Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak ako sa sarili kong pagiging tanga noon. FLAMES. Bakit ko ba pinatulan ang laro na 'yon? Parang katangahan lang, pero noong bata pa ako, it meant everything.

Ang mga simpleng larong iyon ang nagbibigay sa akin ng kaligayahan— maliit, pero totoo.

Naaalala ko pa kung paano kami palaging sabay umuuwi ng kapatid ko. Minsan, kasama rin si Dakarai.

Busy si Dad sa business, and we weren't rich enough para magkaroon ng driver. Kaya kahit papaano, sabay kami ni Lani naglalakad papunta at pauwi ng school. Hindi ko alam kung destiny ba or coincidence, pero lagi naming nasasabayan si Dakarai sa daan.

Dati, hindi ko napapansin kung paano siya laging nariyan, tahimik na naglalakad sa likuran namin. I used to think na baka nagkataon lang. But then, as days turned into weeks, napansin kong parang hinihintay niya kaming dumaan sa kanto bago siya sumabay.

Minsan, tinanong ko pa ang kapatid ko, "Lani, napansin mo rin ba? Bakit lagi nating nasasabayan si Dakarai?"

Umiling lang siya, clueless as always. "Hindi ko alam. Baka pareho lang tayo ng schedule ng alis."

Hinayaan ko na lang. Pero sa murang isip ko, nagsimulang mabuo ang ideya na baka may gusto siya sa akin. And that thought made my heart flutter.

Alam kong bata pa ako noon, but I couldn't help but feel something special.

Madalas kong ipikit ang mata ko at isipin kung paano siya palihim na sumusulyap sa akin habang naglalakad kami.

I held on to those small moments— 'yung mga simpleng pagkakataon na magkasabay kaming tumatawid, o kapag nahuhulog ang bag ko at siya ang pumupulot.

There was a day na hindi ko makakalimutan. Isang umaga, umuulan nang mahina. I forgot to bring my umbrella. Naiwan ko kasi sa classroom, at tamad na akong bumalik. Napansin niya sigurong basang-basa na ako dahil lumapit siya at iniabot ang payong niya.

"Hati tayo," he said simply.

Sa totoo lang, para akong natulala. My heart pounded so hard that I thought he might hear it. Nang magkadaop ang mga braso namin sa ilalim ng payong, para akong nauubusan ng hininga.

"Bakit wala kang payong?" tanong niya.

I couldn't even speak straight.

"Naiwan ko... sa classroom."

Tahimik lang siya pagkatapos. Wala siyang sinabi, pero sa ilalim ng payong, ramdam ko ang init ng katawan niya na kahit paano'y nagpapalimot sa ginaw ng ulan.

That day, I was sure of one thing— I liked him. Siguro nga, bata pa ako noon, pero para sa akin, ang pakiramdam na 'yon ay tunay.

Kaya't sa tuwing sabay kaming naglalakad pauwi, palagi na akong umaasa na may kasunod pa. Na baka isang araw, magsasalita siya at aaminin ang nararamdaman niya.

Pero mali pala ako. Nasanay akong laging nariyan siya, pero isang araw, bigla na lang siyang nawala. I didn't see him at school, and when I asked around, nalaman kong lumipat na raw ng ibang eskuwelahan.

Just like that, without any goodbyes, nawala siya sa buhay ko.

I tried to convince myself that it was just a childish crush. Pero habang tumatagal, mas lalo kong nare-realize na iba pala ang sakit ng pagkawala niya. Kasi, sa likod ng mga simpleng tinginan at sabay na pag-uwi, doon ko nakitang unti-unti na pala akong umasa sa ideyang baka may nararamdaman din siya.

Years passed, and I grew up, moving from one phase of life to another. I became a lawyer, hoping that success would fill the emptiness.

Pero kahit gaano katagumpay, may parte pa rin ng puso ko na hindi maka-move on sa alaala ng batang iyon— si Dakarai. Lalo na ngayon na nakikita ko na siyang nasa TV, sikat, at halos sambahin ng buong bansa.

Bago ako maging isang lawyer, I was just a simple girl na may pangarap. Pangarap na makilala sa larangan ng batas. And for a while, I thought I was doing great. Nakamit ko ang titulo, nakilala sa iba't ibang lugar dahil sa mataas kong marka sa bar exam.

Pero ano nga ba ang silbi ng tagumpay kung wala ka naman talagang napagtagumpayan?

I was at the peak of my career, yet I found myself drowning in an ocean of unhealed wounds. The recognition, the praise— it all felt empty. Because at the end of the day, pag-uwi ko sa malamig na apartment, wala akong ibang kasama kundi ang sarili kong mga alaala.

Madalas kong itanong sa sarili ko, "Bakit ba hindi ko siya makalimutan?"

Maybe it's because I never had closure. Bigla na lang siyang nawala, tulad ng isang bulalakaw na mabilis na bumagsak sa kalangitan.

I was left holding nothing but the light of a memory that eventually faded into darkness.

Kahit na anong pilit kong sabihin sa sarili ko na hindi ako apektado, bumabalik pa rin ako sa mga araw na iyon. To that time when he walked by my side, barely saying anything but somehow making me feel like I wasn't alone.

Lately, mas lalo lang akong nababalot ng kalungkutan. It feels like everything I've worked hard for is slipping away. Wala na akong mga kliyente. Yung mga taong dating nag-aasam na makuha ang serbisyo ko, unti-unti na ring nawala.

It's ironic. I broke records, achieved what others could only dream of, pero bakit parang ako pa rin ang talunan?

Pumasok ako sa courtroom noon na puno ng kumpiyansa, pero ngayon, hindi ko na makita ang sarili ko bilang abogado.

Maybe that's why I've been digging through my old things. Kasi sa bawat pagkabigo, bumabalik ako sa nakaraan. Trying to find something— anything— that would explain why everything feels so wrong.

Nakatulala lang ako sa notebook habang nakaupo sa sofa ng maliit kong apartment. Papers are scattered everywhere, law books left open, and my laptop blinking with unanswered emails. Para akong nauubusan ng lakas.

Dakarai.

The name alone feels like an accusation. It's as if his memory is taunting me, reminding me of how naive I once was.

Pero paano ko ba kalilimutan ang isang tao na sa mura kong edad, siya ang naging sentro ng lahat?

Minsan iniisip ko, baka nga ako lang ang nag-assume. Baka ako lang ang nagbigay-kulay sa bawat tingin, bawat salita, bawat pagkilos niya. Siguro nga ako lang ang nagmahal.

Pero kahit na pilit kong sabihin sa sarili kong ganoon lang, may parte pa rin sa akin na umaasa. Umaasa na baka mali ang iniisip ko. Na baka may naramdaman din siya kahit konti.

Nang maging abogado ako, sinubukan kong tanggalin siya sa isip ko. I drowned myself in work, chasing success like it was the only thing that mattered. And for a while, I succeeded. Naging busy ako, and that busyness shielded me from the pain of remembering.

Pero ngayon, bumalik ang lahat ng nararamdaman ko. Ang sakit. Ang galit. At higit sa lahat, ang pag-asa.

Sinubukan ko siyang i-search online dati. Of course, who hasn't? When he started appearing on TV, endorsing brands, starring in dramas— I couldn't avoid him even if I wanted to.

Dakarai Zamora. Ang pangalan niya ay parang sigaw na paulit-ulit na bumabalik sa akin.

There were interviews, articles, fan pages— all painting him as the nation's heartthrob.

He was everywhere.

Napaka-imposibleng hindi ko siya mapansin. Ang bawat galaw niya, ang bawat ngiti niya— lahat iyon ay parang sibat na tumatama sa akin.

Gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong isipin na siya ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Pero alam ko sa sarili ko na hindi iyon ang totoo. I was the one who chose this path. I was the one who let his memory haunt me.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip. What if things were different? What if I had the courage to tell him how I felt? What if I tried harder to find him?

Minsan naiisip ko na baka wala rin namang mangyayari kung ginawa ko iyon. Baka mas lalo lang akong masasaktan. Pero sa kabila ng lahat ng ito, may parte pa rin sa akin na gustong malaman ang totoo.

Did he ever feel something for me? Or was I just a passing memory to him?

Gusto ko mang kalimutan si Dakarai, parang imposible. The more I tried to push him out of my mind, the more vivid the memories became. Para bang habang pilit kong tinatabunan ang alaala niya, lalo itong lumalakas.

Minsan napapaisip ako kung bakit nga ba ako ganito. Hindi naman kami naging magkaibigan nang lubos. Hindi rin naman siya ang tipo ng tao na madaldal o expressive. Tahimik siya, reserved, at laging parang may iniisip.

Pero marahil iyon ang nagustuhan ko sa kanya. Ang misteryo. Ang hindi nasasabi. The unspoken words that I so desperately wanted to hear.

Naaalala ko pa noong isang beses, nasa playground kami sa school. Nakaupo siya sa ilalim ng malaking puno habang ako naman ay nakatayo malapit sa swing set, pinapanood siya. May hawak siyang libro noon, isang bagay na bihira kong makita sa mga kaedad namin.

"Bakit hindi ka naglalaro?" tanong ko, boses ko'y puno ng pagkamausisa.

Tumingala siya sa akin, his expression calm and almost unreadable. "Mas gusto kong magbasa."

Hindi ko maintindihan noon. Bata pa ako, at para sa akin, ang paglalaro ang pinakamasayang bagay sa mundo. Pero para sa kanya, tila may ibang mundo sa pagitan ng mga pahina.

"Anong binabasa mo?" lumapit ako sa kanya at sinubukang silipin ang libro.

"History book."

"History? Nakaka-boring naman."

Ngumiti siya nang bahagya, isang uri ng ngiti na bihira kong makita. "Hindi naman. Minsan, mas exciting pa ito kaysa sa laro."

Napakunot ako ng noo, hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Pero kahit ganoon, naupo ako sa tabi niya. Tahimik lang kami habang siya ay nagbabasa.

From that day on, hinanap ko ang presensya niya. Parang naging habit na ang sumabay sa kanya umuwi, ang magtanong tungkol sa mga bagay na hindi ko naiintindihan. Kahit na madalas ay simpleng sagot lang ang ibinibigay niya, I always cherished those moments.

Siguro dahil bihira siyang magsalita. At sa tuwing nagsasalita siya, pakiramdam ko ay espesyal ako dahil pinili niyang kausapin ako.

Pero habang tumatagal, nagsimula akong magtanong sa sarili ko. Was he only talking to me out of politeness? Was he just tolerating my presence because I kept showing up?

Hindi ko alam. And that uncertainty became a wound that never healed.

Hanggang sa isang araw ayun, bigla na lang siyang nawala.

Siguro may ibang dahilan. Siguro ayaw na niya sa akin. Siguro napagod siya sa kakulitan ko. Siguro nga ay walang halaga ang lahat ng mga alaalang iniingatan ko.

Pagkatapos noon, sinubukan kong kalimutan siya. I buried myself in my studies, aiming to be the best. I poured all my energy into achieving something greater, something that would fill the emptiness he left behind.

Pero kahit gaano ko pa kahusay sa eskwela, kahit gaano pa karaming medalya at award ang nakuha ko, hindi pa rin nabura ang alaala niya.

It was foolish, I know. Pero kahit anong gawin ko, he remained there— like a stubborn ghost refusing to leave.

And now, years later, nandito pa rin ako. Nakatitig sa notebook na para bang hawak nito ang lahat ng sagot.

Bakit ko ba pinilit kalimutan si Dakarai?

Bakit ko ba pinilit maging malakas kung sa kaloob-looban ko ay basag na basag ako?

Hindi ko rin alam. Pero ngayon, habang hawak ko ang pahina kung saan nakasulat ang mga pangalan namin, I feel the urge to confront everything I've buried.

To face the truth of my own feelings, and the pain that I've been trying so hard to ignore.

Dahil kahit anong pilit kong itago, kahit anong pilit kong kalimutan, the truth remains.

I loved Dakarai Zamora.

And maybe, a part of me still does.

Pero paano ko ba isusulong ang buhay ko kung patuloy akong nakakulong sa alaala niya?

I clutched the notebook tighter, as if holding it could somehow give me the courage to let go. Pero alam ko na ang mga alaala ay hindi basta-basta mawawala.

Maybe what I need is to finally accept them.

To accept that he was once a part of me, and that maybe, it's okay to remember.

But how do you accept something you've been running away from for so long?

How do you forgive yourself for holding on to something that was never real?

How do you let go of a love that never even began?

My heart felt heavy, like a stone sinking deeper into the dark waters of regret.

And yet, despite the pain, I couldn't bring myself to completely forget him.

I let out a shaky breath, feeling the weight of everything pressing down on me. Maybe this is what I deserve. Maybe this is the consequence of holding on to something that was never truly mine.

But somewhere, deep inside me, there was still that tiny flicker of hope.

A hope that maybe, somehow, I could finally find peace.

More Chapters